Thursday, September 8, 2011

Nasa Tamang Landas Ka Nga Bah?

D'yusKO po Rudy! Madaling malaman kung ikaw ay nasa tamang LANDAS o wala. Kapag, UNA sa LAHAT , wala kang sinasaktan, niloloko, gina gagu, pinag mumukhang tanga, at tinatapakang TAO, ulitin ko ha, TAO, hindi bagay, HUWAG din ang HAYOP kasi may pakiramdam din yan, ibig sabihin , nasasaktan din yan. KUHA MO? Ngayon kung ang hayop nga hindi pwedeng saktan, tapak-tapakan o linlangin upang malamangan, TAO pa kaya? Okay, PANGALAWA sa UNA ( malamang ).. wala ng mas malupit pa sa UNA, dahil sa kahit na anong paraan , baliktarin mo man ang mundo, unahin mo mang saktan bago lokohin o niloko mo muna bago mo sinaktan pareho lang ang resulta nun!!

Walang lebel-lebel yan. Walang sino at ano ang nauna, basta naka sakit ka naka sakit ka. Sa kahit na anong kadahilanan. Ngayon kung alam mo sa sarili mo na nanloloko ka, nananakit ka , nambabastos ka, para ano? para sa sarili mong kaligayahan? Para sa sarili NINYUNG kaligayahan? NAKU.NAKU.NAKU. Patay tayo dyan. Pero mas patay kapag nabuko, yiiiikkkessss!!! nakakahiya na nakakatakot pa! Pero mas matakot ka, ay hindi rin mas mahiya, ay hindi pareho na lang! wahahahahah!!!

Resulta to ng panunuod ko ng ' The Perfect Wife is now the Fierce Wife ' ..

Pero naniniwala akong di uso ang paghihiganti na yan. Mas naniniwala parin ako sa kasabihang, walang apoy kung walang usok. Walang sekretong naitatago. Walang maling hindi natatapos. Walang tunay na kaligayahan na sa mali ay nasimulan. Walang maling akala sa taong kaduda-duda at meron pa kabahan ka na kapag pakiramdam mo malapit ka ng mabuko! hahahah!! :))

yun lang! kakainis kasi ang palabas. :)) oh, sa anong landas ka na ba? minsan talaga hindi COMMON ang SENSE! :)))

na realized ko lang: bakit may nawawalang blogger? hmmm! bakit kaya?! parang gets ko na! Expert ka!haha

No comments:

Post a Comment