Hay .. ang saklap ng walang VALID ID's !!!!! Nawala ko ang TIN ID ko .. ang SSS .. expired and DRIVER's LICENSE .. naiwan ang PASSPORT .. at invalid ang COMPANY ID dahil walang signature! Akalain mo yun? I feel like I am not a citizen of this country!!! Nag open ako ng bank account di tinanggap ng bank yung ID ko kahit sila may hawak ng payroll accnt ng company na pinagtatrabahuhan ko kasi walang signature ang ID, mantakin mo kilalang kumpanya pero di sufficient ang ID ??? Ni-refer ako sa main branch and Thank God nakapag open ako ng passbook account after validating na active employee pa ako ng company at luckily dala ko ang passport ko...
Eto ulet.. Galing akong Landbank pa incash ng cheque .. Di parin valid ang company ID ko kahit issued na ng company/pag-ibig loan ang cheque ( ANTIGAS NG ULO MO TEH !!!! ) ... in short isang buwan ko ng bitbit ang tsekeng itooooo!! at mukhang mabubura na ang nakasulat sa tagal ng nakaipit sa journal, haha!!! ang gusto ko lang naman magkarun na ng VALID ID .. I feel that I don't belong!!! Grrr!!! Di raw nag rerelease ng ID for the meantime ang SSS dahil sira ang machine na gumagawa ng ID's, kmusta naman?? ...
Promise ko, hindi matatapos ang taon na ito ng wala akong renewed Driver's License. TIN id. Postal ID. SSS ID. PhilHealth ID.. at kung anu-ano pa!!!! Hay . Ganun ka nga pala ka IMPORTANTE .. maliit na bagay ka lang sa panigin pero isa kang makapangyarihan!!! haha!!! yun lang! yun lang ang naramdaman ko today!!!!
maliban sa ....
Pagkain ng napakaraming KARNE sa CHIKBOY along Jupiter St., Makati City .. Umay na umay ako sa Liempo de Lechon / Quater Breast Chicken/ BBQ at Sinigang na Salmon ... di magandang kainin para sa taong nag da-diet!! hehe .. uuuuuyyyy..pumapayat na daw ako .. totoo!!! kasi nasusuot ko na ulet ang mga damit kong nakatago ng matagal tagal. Onti na lang!! yehey!!! Un lang ulet. ..
Umuwi. Nag Fb sa BB. nag FB sa Laptop. Nagpahinga. Nag browse. Nag basa. Nag visit ng Blogs. May nabasang kakaiba. May naalala. May alam na ako lang ang nakakalam na kapag nalaman di ko alam kung anong kalalabasan. Magulo bah? oo magulo na! hehe
... bukas kikitain ko nga pala si Nesh sa Rob Gale .. para sa :
1.Hopia - req by Fibi ( di bale walang ibang flavor basta may UBE ) ... YES Ma'am!!
2. Sunshine - ang nakaka lokang req ni Jhaja ( bilhin ko daw sa grocery ng pang MASA ).. Kaloka! haha
3. Reunion Shirt - para sa mga ka batchmates in Dubai ( super late na ng 1 year ) hahaha!!
4. Tripod - ni Madam Fibi para magamit naman ny ang super power DSLR nya!!
5. Dalawang Lumang Tshirts ko .. para kay Mariz at Jhaja!! hehe!!
*** sa mga oras na to nais ko ipaalam kay jhaja na basa pa ang tshirt na hinihingi nya .. kakasuot ko lang, kahapon lang nilabhan .. *** hehehe!!!
Full day ahead tom!!! Sana magawa ko lahat!! May sa-beerday pa para sa Reunion namen nila Gemma at ng mga opisina sa COPYLANDIA .. May upcoming meeting pa ng ONG family .. Dalaw kay Tita Gloria sa Antipolo.. Walang pahinga sa Weekend ?? !!!! .. grrr!! Saya!!!
No comments:
Post a Comment