Thursday, July 7, 2011

Lahat ng bagay ay lumilipas at natatapos ..

oo naman. isipin mo. try mo lang. last year. nasan ka kaya? anong ginagawa mo? sino kasama mo? anong damdamin meron ka nung mga panahong yun? ako? tandang tanda ko pa.. Kaya nga alam na alam ko na ngayon na walang bagay na hindi natatapos. walang bagay na hindi lumilipas. walang bagay na di nagbabago o nawawala...

oo naman.isipin mo. hindi sa lahat ng panahon, oras, at pagkakataon malungkot ka,nasasaktan ka,umiiyak ka. dahil lahat ng bagay may katapusan may hangganan.

oo naman. isipin mo. nung isang taon halos ayaw mo ng tumayo.kumain.matulog.tumawa.magkwento.kumanta.magbiro.halos ayaw mo nang mabuhay.pero ngayon mas matapang ka pa sa kahit na sino.mas matatag ka pa sa kahit na ano. mas masaya ka pa sa mga payaso. mas gusto mo na ngayon lumabas.kumain.gumala. mag videoke.magpicture picture.magbihis.makipag biruan at makipag harutan. dahil lahat ng bagay nagbabago.lumilipas.nawawala.napapalitan.

' calmness and coldness '

oo naman.isipin mo. ano ka ngayon at nuon. diba mas masaya?di ba mas maganda? dahil natuto ka.dahil ngayon mas alam mo na.dahil naranasan mo.nalaman mo.nadama mo.walang talo. kaya tuloy lang.kapit lang. ang lungkot at saya ay lumilipas.natatapos.pero bumabalik balik.ang mahalaga ngayon alam mo na. alam mo na na di mo kailangan malugmok ng matagal dahil bukas makalawa okay ka na. okay ka na ulet. okay ka na naman. Ganyan lang. tuloy lang. laban lang.. dahil ang pagbabago yun lang ang may kasiguraduhan ...

' ako si WONDERWOMAN '


.. Akala mo lang walang katapusan ... Akala ko lang pala yun... Eto ako ulet. Masaya.Masaya.Masaya. :)

No comments:

Post a Comment