Nagkita kame ng kaibigan ko sa Megamall kaninang lunch, yung friend ko na to eh medyo matagal tagal na din kaming hindi nagkita at nagka-usap. Medyo may maliit na problema lang na kailangan tugunan at damayan. Hanga din ako sa friend ko na to eh at nagpapasalamat din ako na ipinakilala sha ng isang taong minsan din naging bahagi nang buhay ko. Ang ' entry ' na to ay para sa kanya. Kung bakit? Kasi HANGA ako sa katatagan ng loob nya at sa klase ng PAGMAMAHAL na kayang nyang ibigay at kasalukuyang binibigay nya ng buong puso. Kung anong klase man yun, mahirap intindihin o unawain pero kailagan lang naten RESPETUHIN ganun lang ka simple yun. RESPETO sa KAPWA , maraming hugis yun ... TAMAH?
Sa t'wing nakaka-usap ko si friend at tinitingnan ko sha habang nagku-kwento kung san-san na nakakarating ang utak ko. Nandyan na gustong -gusto ko ng itanong sa kanya kung bakit sya nagta-tyaga? Pero di ko narin tinanong kasi alam ko naman na ang sagot nya, " MAHAL KO EH " .. OO nah , Mahal na kung Mahal kaya nga nakakabilib dibah? Nakakabilib na kung san nya nahuhugot ang klase ng pagmamahal na kahit na alam nyang hindi naman talaga sya ang laman ng puso at isip ng taong mahal nya. NAkakaloka at Nakakaloko talaga. Nakakabilib na isipin na nakakaya nyang pakisamahan pa na alam nyang sa kabila ng lahat eh hindi lang sha at may iba pa pala. Gusto ko din sanang itanong kung may mga pagkakataong naa-awa din ba sya sa sarili nya o natabunan na ng sobrang pagmamahal ang sakit na nararamdaman nya o may panahon din bang naiisip nyang .. ' OO nga masakit pa din pala '. Tuloy di ko na alam minsan kung maa-awa paba ako o maiinis na kung bakit pa sya nagtitiis. Pero syempre wala naman ako sa sitwasyon nya. Sino ba naman ako para kwestyunin ang mga desisyon nya. Naisip ko na lang, okay na yan kung tutuusin alam mo naman na niloloko ka hinahayaan mo lang ..
Pero may tanong ako :
ALIN ANG MAS MASAKLAP? Yung alam mo na niloloko ka pero pinili mo parin na manatili o Niloloko ka ng walang kang ka alam-alam , binastos ka pa ??? ...
Hirap no?! Pero syempre, kadalasan naman talaga nag uumpisa sa ' panloloko ng walang kang alam eh ' diba? Yun tipong akala mo abala lang sa trabaho , yung akala mo kaya nanlalamig kasi pagod lang, yung akala mo walang iba kasi pagmagkasama naman kayo parang walang nagbago kung meron man konti lang, ' PAGOD ' lang. Pero malaman-laman mo yung akala mo na abala sa trabaho sa iba pala abala. Alam ko to, pinagdaan ko to eh. Kabisado ko ang kalye na to medyo malubak at mabuti na lang yung kalye na to may 'diversion' pala, at mas pinili ko na lang na lumiko kesa tiisin ang lubak na daan , hahaha!! ( kaloka! )
RESPETO sa KAPWA minsan nawawala na kasi nagiging maka sarili tayo kapag nagmamahal. Di baleng may masaktan o may patuloy na nasasaktan. May iba naman kaya patuloy na nanloloko kasi walang lakas ng loob na mamili o aminin sa isa na may mahal na syang iba. Pano kaya yun? May tawag sa englis nun eh ' hhhmmm, testing the water ? ' .. Masama yun. Kasi walang basbas. Ang kahit na anong nagsimula sa hindi tama ay hindi maganda.
Ang sa akin lang, sana si ' Friend ' kayanin pa nya kasi mahal nya talaga ang taong napili nya nuon at kahit na sinasaktan na sya ngayon eh nanjan parin sya. Tingin ko eto na at eto parin ang gusto nyang makasama sa 'HABAMBUHAY' . Bihira yun. Bihirang makahanap ng taong magmamahal sa iyo ng totoo at buong-buo.
Ang sa akin lang, sana wag naman gamitin ang salitang ' MAHAL ' para takpan ang kahinaan. Sana marunong parin tayong RUMESPETO at MAGPAKA TAO.
RESPETO SA KUNG ANO ANG SAGRADO SA IBA.
Ang sa akin lang, kung dala-dalawa man yan , mamili ka na at para sa taong may kahati sa iba , kapit lang dahil kung mahal ka nya, paninindigan ka. Pero sana , habang hindi pa nya alam kung sino ba talaga , sana tulungan mo sya. Hindi para iwanan yung isa, kundi ang tulungan syang mag isip kung ano ba at sino ang gusto nya. At para sa hindi makapili , magulo at mahirap lang sa umpisa pero hindi yan sapat na dahilan para hindi mo makapa sa puso mo kung ano ba talaga ang gusto mo mangyari at sino ba talga ang gusto mo makasama.
Ang sa akin lang , habang may taong lito at magulo tiyak may taong nasasaktan, may nahihirapan.
::: Opinyon ko lang :::
No comments:
Post a Comment